*Beep beep*
Sabi ng jeep
Pinara ko, ngunit diredireso ito
Di manlang nagawang huminto,
Kaya hinayaan ko
*beep beep*
May dumating ulit
Ngunit di na ako nag pumilit
Hindi ko pinara yung jeep
Pero nagulat ako,
Huminto ito sa harap ko
Kaya napaisip ako,
Ganun ba talaga?
Ganun na ba talaga kagulo ang isip ng mga tao?
![](https://img.wattpad.com/cover/123584759-288-k687707.jpg)
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoesíaMga salitang kinimkim Mga katagang sinasabi ng palihim Mga letrang hindi kayang bigkasin At mga damdaming hindi nabigyan ng pansin © natatanging 2017