Araw ng Pagtatapos

161 7 0
                                    

Habang nag iisip ako ng pwedeng ma caption sa post na 'to, ang daming nag flash back sa utak ko. Nag umpisa sa mga araw na isa ang sahig sa mga naging ka close ng ilang linggo at wala ding gabi sa ilang linggo na iyon na hindi sinakitan at muntik ng matanggalan ng parte ng katawan dahil sa pagod kaka practice ng cheer dance. Yung mga araw na pati si Buddha kakausapin mo para lang ma approve na ng research teacher niyo yung topic na naisip mo kasi baka sa susunod, pati isip mo mawala na. May mga pagkakataon pa na kay Emma at Georgia ka nalang naka focus kesa intindihin yung mga bagay bagay na mahirap intindihin kasi hindi ka marunong umintindi o hindi ka lang nila naiintindihan? Dumating pa sa puntong naging si Nanay Gloria ka kasi nahihibang ka na sa dami ng dapat gawin at asikasuhin. Sino ka? Bakit kayo nasa bahay ko? Sino ako?

Dumadating na ang tren. Bumubusina na ang bus at nag tatawag na ng pasahero ang barker ng jeep sa may kanto. At kasabay ng pag dating nilang lahat, nag kakarera ang mga pasahero sa pag pasok ng hindi sinusigurado kung ito nga ba talaga ang daan o iyon.

Pero sa kabila ng lahat ng matagal na pag hihintay tuwing sabado at linggo, sa walang sawang paniningil at pag akyat panaog mula ika-apat ng baitang hanggang kabilang establisyemento, sa pag bibitbit ng mga plastic na laging puno, sa pag biyahe kung saan saan para lang magampanan ang side line na itanabi sa gilid ng pag-aaral, sa pag singit ng pag popost ng mga tinda sa kalagitnaan ng pag kakabisa at sa mga araw na nahuhuli  ang sarili na nakatulala dahil sa sobrang pagod, nagagalak at nag uumapaw sa tuwa ang puso ko at patuloy akong mag papasalamat sayo, sa inyo at Sa Kanya na ginabayan ako patungo sa istasyon kung nasaan ako nakarating ngayon. Sa lugar kung saan natagpuan ko na ang katapusan at muli nanamang sasakay at makikisakay patungo sa panibagong kabanata ng kinabukasan.

Ma, Pa. Para sainyo lahat ng 'to. Apat na taon pa at matutupad ko na lahat ng mga pangarap na sabay sabay nating binubuo. Kulang ang salitang salamat sa lahat ng ginawa at ginagawa niyo para samin, para sakin. Hindi kayo nag kulang, hindi kayo nag sawa at hindi kayo tumigil. Mahal na mahal ko kayo at hayaan niyo akong buuin ang sarili ko kasabay ng gabay at suporta na patuloy niyong binibigay sa akin. Lodi ko kayo habang buhay.

Sa mga naging bahagi at patuloy na magiging bahagi ng munti kong mundo, maraming salamat sa hindi pag bitiw at patuloy na pag kapit. Salamat sa mga salamat at walang katapusang paalam. Salamat sa hindi pag lisan at sa patuloy na pag lagi sa munti kong mundo na unti unti niyong hinuhubog, ginugulo at binabago sa madaming paraan at pag kakataon.

Hihintayin ko kayong lahat sa susunod na istasyon. Alam kong madami pang pwedeng mag bago at lilipas pa ang panahon pero aasahan ko ang mundo at maniniwala ako sa mga binibulong nito pero sa ngayon, mag papasalamat muna ako. Salamat sa masaya, mahirap, masikip, mainit, magulo, malungkot, nakakatuliro, pero makabuluhang biyaheng dadalin ko hanggang dulo.

Flores, Eira Marie B.
Award for Work Immersion
May Mataas na Karangalan
May potensyal
May pinang hahawakang kinabukasan
May pangarap na nais makamtan
at
may
puso
na
handa
at
sanay
at
sabak
at
matibay.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon