The Beginning of Nothing

77 4 0
                                    


Simula.
Mag sisimula ako sa simula.
Sa kung paano nag umpisa ang storya nating dalawa
Sa kung paano nagkaroon ng ikaw at ako sa pagitan ng ikaw at siya
Sa kung paano mo ako pinangakuan ng mga bituin at buwan habang binibigyan mo siya ng langit at kalawakan
Sa kung paano mo dahan dahang binibitawan ang kamay ko habang hinahawakan mo ng mahigpit ang kaniya
Mag sisimula ako sa umpisa.
Teka,
Nagkaroon ba tayo ng simula?
Dahil nag lalakad palang ako papalapit sayo tumatakbo ka na papunta sa kanya
Mahal, paano naman ako?
Saan na yung simula ng walang hanggan na pinangako mo?
Hindi ko naman kailangan ng bituin at buwan, hindi ko kailangan ng kahit ano dahil ikaw.. Ikaw lang ang gusto ko.. Ikaw ang kailangan ko, mahal..
Pero mas pinili mong bitawan ako kahit ang higpit higpit ng kapit ko sayo.
Kulang pa ba? Saan ako nag kulang?
Pwede bang ako naman? Kahit ngayon lang, ako naman.
Mahal, saan na ang simula na sinasabi mo?

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon