Sana lahat..
Sana lahat ng tao alam ang tama at mali
Sana lahat alam ang ibig sabihin ng oo at hindi
Sana lahat marunong umintindi
Sana lahat hindi mapang-api
Sana lahat marunong makinig at umunawa
Sana lahat hindi lang puro salita
Sana lahat laging masaya
Sana lahat marunong makisama
Sana lahat kalmado
Sana lahat hindi gago
Sana lahat marunong umiwas ng gulo
Sana lahat hindi nag kakagulo
Sana lahat..
Kaso.. hindi lahat
At minsan pa,
Wala kahit isa.
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoëzieMga salitang kinimkim Mga katagang sinasabi ng palihim Mga letrang hindi kayang bigkasin At mga damdaming hindi nabigyan ng pansin © natatanging 2017
