This was a final output for our course Readings in Philippine History. I'm just so proud for the outcome because I struggled a lot while writing this. I was so preoccupied about everything that's been going on lately. But despite all of that, I still manage to carry on. And my prof liked it! I hope you, too ♡
--
Ang bansang sama samang itinaguyod at ipinag tanggol ng mga bayaning nag alay ng kanilang buhay upang tayo ay mabuhay, ang bansang noo'y puno at sagana sa likas na yaman; Ang mahal kong bayan na minsan ng pinag kaitan ng kalayaan na ngayon ay patuloy na nakikipag laban sa hamon ng buhay at kamatayan. Saan ka na nga ba patungo? Sa kawalan? Sa basurahan? Sa kasadlakan?
Pilipinas, saan ka patungo?
Kaliwa't kanan ang nakawan. Sa mga pamilihan. Sa pook pasyalan, maging sa gobyerno na walang sawang kinakamkam ang kaban ng bayan na pinag hihirapan ng mga mamamayan. Dugo't pawis ang kanilang sinakripisyo upang magampanan ang kanilang responsibilidad bilang isang taga taguyod at masunuring mamamayan ng bansa na nag babayad ng tama ngunit sa kabila nito, napupunta lang ang kanilang pinag hirapan sa bulsa ng mga ganid at mga taong matuturing na may pinag aralan pero namumutawi ang kamangmangan.
Pilipinas, saan ka patungo?
Nawawala na ang pag galang sa buhay dahil nagiging isang natural na usapin na lang ang pag patay. Na para bang isa na lamang ito sa mga bagay na dapat nating kasanayan dahil sa pag kakaroon ng baluktot na prinsipyo at pananaw ng mga taong unti unti ng kinakain ng maling konsepto ng salitang tama. Paano kaya nila pinapakalma ang kanilang mga konsensya kung maraming pamilya ang nabubuhay sa takot na baka isang araw imbis na sikat ng araw at simoy ng hangin o liwanag ng buwan at ng bituin ang sumalubong sa kanilang pag dating, tunog ng pag putok ng baril at hiyaw ng mga tao sa paligid ang naging kapalit?
Pilipinas, saan ka patungo?
Unti unti ng kinakain ng modernong buhay ang mga tao kaya nawawala na ang sinaunang kaisapan kung saan uso pa ang salitang respeto at pag galang, kung saan nag a-alab pa sa puso at isip ng bawat isa ang pag kakaiba ng pagiging tao sa pag papakatao. Inaabuso ang taglay na kayamanan ng kalikasan at dahan dahang sinisira ang magandang mundo na nilikha ng lumikha na para sana sa ngayon at sa susunod pa na henerasyon. Ano na lang ang aabutan ng mga musmos na kaisipan ng mga batang pag asa dapat ng bayan? Kung sa ngayon ay delikado na ang hinaharap nila, paano pa kaya ang susunod sa kanila?
Hanggang saan nga ba tayo dadalhin ng ating kagustuhan na maging isang bansa kung sa pag kakaisa palang ay wala na?
Pilipanas, hanggang dito na lang ba tayo?
Hindi. Hindi pwede..
Mag titiwala ako ulit sayo. Kahit ilang beses mo na akong binigo. Maniniwala ako..
Maniniwala ako at patuloy na maniniwala na sa henerasyong ito, sa panahong unti unti ng nabubura ang salitang pag papakatao sa isipan ng mga tao, sa panahong nawawala na ang kaluluwa at puro nalang buto, sa panahong nilalamon na ng katangahan at kamangmangan ang bansang dati ay angat ang mulat kaysa sa bulag;
Maniniwala ako at patuloy na manininiwala na sa gitna ng kahibangan na ito, mayroon pa ring natitirang porsyento ng pagiging Pilipino sa puso, sa isip, sa salita at sa gawa ng bawat isa sa inyo. Sa atin. Sa akin. At sa iyo..
Pikit mata akong maniniwala. Kahit imposible ng mangyari. Kahit kapirangot nalang ang natitirang pag asa. Maniniwala ako.
Pilipinas, babangon tayo.
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoesíaMga salitang kinimkim Mga katagang sinasabi ng palihim Mga letrang hindi kayang bigkasin At mga damdaming hindi nabigyan ng pansin © natatanging 2017