Isa, Tatlo, sampu, lima, dalawa
Parang may mali diba?
Ganyan ata kagulo ang utak ko nung nawala ka.
Apat, Pito, siyam, Anim, Walo
Napaka kumplikado.
Pero kinakaya ko
Kakayanin ko.
Alam kong dadating yung araw na malalaman ko kung ano yung mali dito.
Maabubuo ko 'to.
Mabubuo ko ulit yung sarili ko
na ginulo mo.
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoesiaMga salitang kinimkim Mga katagang sinasabi ng palihim Mga letrang hindi kayang bigkasin At mga damdaming hindi nabigyan ng pansin © natatanging 2017