Nasa simbahan tayo.
Ang laki laki ng ngiti mo.
Halata sa mga mata mo yung sayang nararamdaman mo.
Tumingin ka sakin.
Nag ka titigan tayo.
Tumigil bigla yung mundo ko.
Teka, ikaw pala yung mundo ko.
Ikaw yung buhay ko.
Nginitian mo ako.
Ngumiti ako pabalik.
Yung ngiting nag pipigil ng hikbi.
Hindi ko inalis yung titig ko sayo.
Kinakabisado ko lahat ng detalye ng mukha mo.
Pero bigla kang nag bitaw ng tingin.
Napunta yung mga titig mo sa harapan na para dapat sakin.
Na para lang dapat sakin.
Lalong lumaki yung ngiti mo sa taong nag lalakad ng dahan dahan papunta sayo.
Nakita ko pa yung palihim mong pag punas ng luhang naka takas sa mga mata mo.
Kasabay ng paglakad ng taong tinititigan mo ng puno ng adorasyon at pag mamahal ang mga luha kong hindi ko na napigilang ilabas.
Kusa kasi silang nakatakas.
At ng tuluyan na kayong nag katagpo sa altar.
Hanggang dito sa kinatatayuan ko, ramdam na ramdam ko yung kasiyahan mo.
Ang sakit.
Ang sakit sakit makita na ang saya mo.
Ang saya saya mong kasama ang ibang tao na hindi ako.
Pinutol ko yung tingin ko sainyo.
Sayang..
Tumalikod ako at dahan dahang nag lakad palayo.
Sayang..
Kahit anong punas yung gawin ko sa mga mata ko, patuloy pa din yung pag daloy ng mga luha ko.Sobrang sayang..
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoetryMga salitang kinimkim Mga katagang sinasabi ng palihim Mga letrang hindi kayang bigkasin At mga damdaming hindi nabigyan ng pansin © natatanging 2017