Mahal Kita. Hindi kita iiwan. Wala ng iba. Sigurado akong Ikaw at ikaw lang. Tayo? Hanggang dulo.
Mga salitang narinig ko na
Natanggap ko na
Pinaniwalaan ko pero shame on me kasi di pala sila totoo.
Nag lalakad ako sa pagitan ng mahal ko pero nasasaktan nako
Diba kapag mahal mo, kahit anong sakit titiisin mo?
Yung sakit na tipong parang pinapatay ka na
Sinasaksak ng matulis na kutsilyo yung puso mo
Tinataga ng palakol yung pagkatao mo
Dinudurog ng martilyo yung dignidad mo
Pero bahala na. Mahal ko eh.
Kahit iharap pa sakin si jigsaw, wala akong pakialam
Wala akong pakialam sa mundo basta mahal kita.
Kahit yung pag mamahal na binibigay mo kasing laki lang ng hinliliit ko, wala akong pakialam.
Basta, mahal kita
Wala na akong pakialam sa iba.
Pero mahal, umaabot din pala ako sa puntong mapapa upo nalang ako sa gitna ng kawalan
Nagtataka kung bakit ako huminto sa paglaban
Hindi ako makatayo sa pagod at sakit dulot ng mga salitang 'tumigil kana' 'gusto ko ng kumawala' 'hindi na tayo uubra' 'hindi na ako masaya'
Mahal, patawad.
Pinilit kong itayo yung sarili ko pagkatapos mo kong saksakin ng mga salitang binitiwan mo pero hindi ko kinaya
Patawad..
Mahal na mahal kita
Pero hinihila na ako ng antok dahil sa sobrang pagod
Sobrang mahal kita
Pero talagang papatayin na ako ng sakit na nararamdaman ko
Hindi ko kayang mawala ka
Pero kailangan kong mawala para maging masaya ka
Hindi ko alam kung paano ako ulit mag sisimula kaya tatapusin ko nalang
Mahal kita. Sobrang mahal kita.
Sana sa susunod nating buhay, ako naman piliin mo.
Tayong dalawa naman.
Wala ng ikaw at siya
Yung puro ikaw at ako nalang
Hihilingin ko yan Sakanya, mahal.
luluhod ako at mag mamakaawa na pag bigyan naman Niya ako.
Kahit ngayon lang.
Kahit ikaw lang.
Kahit tayong dalawa nalang.
![](https://img.wattpad.com/cover/123584759-288-k687707.jpg)
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
ŞiirMga salitang kinimkim Mga katagang sinasabi ng palihim Mga letrang hindi kayang bigkasin At mga damdaming hindi nabigyan ng pansin © natatanging 2017