Naaalala mo pa?
Noong mga panahong ikaw at ako lang ang masaya sa mundo nating dalawa? Noong mga oras na tayong dalawa lang ang nag kakaintindihan at walang pakialam ang iba kung may sarili tayong trip sa buhay dahil tayong dalawa lang.. Tayong dalawa lang at walang ng iba pa.
Naaalala mo pa?
Noong unang beses mo akong sinabihan ng mahal kita habang naluluha at natutuwa dahil umaapaw ang pag mamahal natin sa isa't isa.Naaalala mo pa ba?
Yung mga pag kakataong hiniling nalang natin parehas na sana tumigil ang oras at manatili nalang tayo sa sitwasyong halos hindi na tayo mapag hiwalay at mamamatay ang sino mang magtangkang umepal at makipag away.Naaalala mo pa ba?
Yung mga sandaling halos hindi na natin bitawan ang tingin sa isa't isa? Na muntik na tayong batuhin ng kamatis sa sobra nating katamis pero wala tayong pakialam kasi sobrang mahal natin ang isa't isa at hindi ang kamatis o ang sasabihin ng iba ang mag didikta sa pag mamahalan nating dalawa.Naaalala mo pa ba?
Malamang hindi na..
Kasi ako na lang naman ang nakaka alala sa mga ala-ala nating dalawa. Ako nalang naman ang natira sa istoryang binuo nating dalawa habang magkawak ang ating mga kamay sa gitna ng buwan habang tumitingin sa mga bituin sa langit at taimtim na humiling na sana habang buhay kang kapiling. Ako nalang ang natira sa mundong ginawa natin dahil masyado ng toxic ang mga tao kaya nag solo tayo.
Ako nalang.. Wala ng ikaw o tayo o ikaw at ako.
Pero mahal, nakakapit pa din ako. Kahit may siya na nakapagitan sa ating dalawa. Kahit ako nalang ang nakakaramdam ng saya pag malapit tayo sa isa't isa. Kahit ako nalang yung nalulungkot sa tuwing mag kaaway tayo. Kahit ako nalang yung naluluha tuwing naiisip kk na wala na. Wala ka na sa buhay ko. Hindi na ako ang kapiling mo at kahit hindi na ako ang mahal mo, nakakapit pa din ako..
Mahigpit. Sobrang higpit na kahit ako mismo, nasasakal na sa sarili kong pagkapit dahil masyado akong tanga pero dahil mahal kita hindi ko na alam kung ano na ba ang ibig sabihin ng salitang tanga.
Kaya patawad nalang. Patawad nalang kung ang kulit kulit ko dahil gusto lang naman kitang bumalik sa piling ko at maging tayo hanggang dulo. Patawad nalng kung ilang beses kitang pinupuntahan kahit ayaw mo nakong masilayan. Patawad nalang kung masyado kitang minahal dahil dinala mo ako sa iba't ibang planeta habang tayong dalawa pa kaya akala ko at umasa akong tayo na at hindi kana mag hahanap pa ng iba..
Kaya patawad nalang kasi hindi ako makabitaw.. Hindi ako makabitaw sa kadenang ako mismo ang nagkabit sa sarili ko dahil sa sobrang katangahan ko pero kasalanan ko bang minahal kita ng ganito?
Kasalanan ko bang masyado akong nalulong sa bisyo ng ikaw at ako?
Kasalanan ko bang nalunod ako sa salitang tayo?
Kasalanan ko bang nakilala kita at nabighani ako sa iyong mapupungay na mata kaya ngayon hindi ako makalabas sa pintuang nilunok ko ang susi at nasayo pa ang natitirang bahagi
Kasalanan ko ba?
kasalanan ko bang mahal na mahal kita at ayaw pa kitang bitawan kahit ang sakit sakit na?
Kasalanan ko bang ayaw kitang makitang masaya sa piling ng iba dahil ako dapat ang nasa pwesto nila?Mahal, kasalanan ko ba?
Mali ba na ikaw ang pinili ko at iniwan ko ang sarili kong mundo para sumama sayo? Na ngayong wala kana sa piling ko, hindi ko na mahanap pa yung sarili ko dahil kasabay ng pag lisan mo, nawala na din yung pagkatao ko. Masyado pa akong nasasaktan para isumbat sayo lahat ng ginawa mo kaya hayaan mo. Pag dumating ang araw na kaya ko nang tumayo at pag kaya ko na ulit ipagtanggol ang sarili ko, reregaluhan kita ng mag asawang sampal na may kabet dahil meron ka din nun diba?
Alam kong mali ang plano ko dahil masamang mag tanim ng hinanakit sa kapwa mo tao pero alam ko, hindi ka tao kasi hayop kang animal ka. Sinong matinong tao ang mag paparamdam ng sobra sobrang pag mamahal sa nananahimik na nilalang at nung nawala na ang kanyang pag kalibang nag hanap na agad ng susunod na i a-aswang?
Hayaan mong lumipas ang araw at maghilom lahat ng sugat na dinulot mo.
Hayaan mong mahanap ko muna ang sarili ko bago ko batuhin ng bato ang bahay niyo ng bago mong inuuto.
Hintayin mo lang.
Santo ako nung nakilala mo ako pero pwede akong maging diablo pag nawala na 'tong katangahan ko.

BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoetryMga salitang kinimkim Mga katagang sinasabi ng palihim Mga letrang hindi kayang bigkasin At mga damdaming hindi nabigyan ng pansin © natatanging 2017