apatnapu't apat

164 5 0
                                    


Minsan sa may kanto, nakatambay ako at
nakaupo.

Mag isa.
Syempre, ano bang bago?

Sumisigaw ang katahimikan ng paligid kasabay ng pag kislap ng mga bituin sa langit

Dahan dahan kong inangat ang aking ulo at pumikit

Sana ganito din kapayapa ang aking damdamin

Malakas ang simoy ng hangin.
Malamig at nakakapanindig.

Dumako ang aking tingin sa kawalan

Inalala ko lahat ng mga pagkakataong naging
tahimik at payapa ang isip ko.

Inabot ako ng ilang minuto pero wala akong maalala kahit ano.

Ngayon ko lang napag tanto na magulo pala talaga ang buhay ko

Nakakatawa pero hindi ko kasi ramdam

Masyado na akong sanay sa pakiramdam ng kaguluhan na naninibago na ako sa katahimikan

Na ang ganitong kapayapang sandali ay nakaka bingi na sa aking pandinig

Ganoon ba talaga?

Nasasanay kana sa mga bagay na hindi dapat kasanayan

Nagiging komportable kana sa mga maling sitwasyon

Nagiging manhid kana sa lahat ng sakit na binabato ng mundo sayo kaya wala ka ng ideya kung paano ba ngumiti ng totoo o kahit manlang maging masaya na bukal talaga sa loob mo.

Ganoon ba talaga?

Ganoon nga ata talaga.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon