Sa tinagal tagal ng paglalakbay
Nagkaron ng madaming ka agapay
Bagong mukha
At mga kakilala
Mga taong nag bibigay ng pag asa
Ngunit sa bawat simula
Kaakibat nito ang katapusang hindi maiiwasan
Hindi matatakbuhan o malulusutan
"Paalam." bulong ng kalawakan
Hindi ko magawang lumingon o sumagot manlang
Dahil kahit gaano kataas ang respeto ko sa patakaran ng mundo
Hindi ko maiwasang magtaka at manlumo
Bakit ngayon?
Bakit ngayon agad?
Hindi pa ako handa..
![](https://img.wattpad.com/cover/123584759-288-k687707.jpg)
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PuisiMga salitang kinimkim Mga katagang sinasabi ng palihim Mga letrang hindi kayang bigkasin At mga damdaming hindi nabigyan ng pansin © natatanging 2017