Tuwing umaga sa bus papuntang EDSA,
naging kagawian na ang pag sipat sa mga pasahero.
Nakatayo man o nakaupo, siksikan man o may mga bakante sa dulo.
Hinding hindi mabubuo ang araw kapag hindi naka kita ng matangkad at matipuno o maganda at gwapo.
Hindi naman sa namimili ng titignan o ng huhusga ng tao, pero nakasanayan nalang na mag hanap ng potensyal sa mga tao.
Siguro dahil kulang ako?
Alam kong mali ang mag kumpara at pababain ang sarili pag walang wala ka sa kalingkingan nila pero talagang masasanay ka nalang
Masasanay ka ng hindi mo namamalayan na nasasanay ka na pala sa mga bagay na ayaw na ayaw mo pero dahil wala kang choice kung hindi ang masanay at masanay at masanay at masanay.. Makikita mo nalang ang sarili mong nasasanay sa ganoong klaseng sitwasyon
Masyado kasing nakaka dala yung iwanan ka dahil lang sa hindi ka sapat o hindi ka kamahal mahal para sa kanya.
Masyadong masakit yung ipagpalit ka sa iba dahil lang sa marami siya ng wala ka at sobrang masyadong masakit yung ipamukha niya sayo na hindi sapat yung pag mamahal mo lang ang kaya mong ibigay sa kanya kaya nag hanap siya ng iba.
Kaya ka niya nagawang lokohin.
Kaya hindi niya kasalanan kasi kulang ka.
Kaya kasalanan mo kasi kulang ka.
Kaya yung pagkatao mo yung dapat madurog kasi deserve mo yan kasi kulang ka."I fell out of love."
Yeah it happens all the time. It's natural."I just can't stand being with you anymore."
Well, maybe I am too loud? Or maybe because I just keep on talking about stuffs that doesn't really matter like telling you about my day."I need more. And you're just not enough. We don't deserve each other. I am sorry."
But- Oh. Okay..
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
PoetryMga salitang kinimkim Mga katagang sinasabi ng palihim Mga letrang hindi kayang bigkasin At mga damdaming hindi nabigyan ng pansin © natatanging 2017