isa

954 12 4
                                    

Minsan, nagkaroon ako ng lakas ng loob na tanungin ang hangin at kalangitan tungkol sa sikreto ng buhay at ng kamatayan. Oo, alam kong wala akong karapatan at wala ako sa posisyon para kwestyunin o diktahan manlang ang patakaran ng mundo at ng kalawakan pero hindi ko mapigilan.

Hindi ko maiwasan. Hindi ko kayang hindi malaman dahil uhaw na uhaw ako sa mga kasagutan.

Oo, alam kong hindi lahat ng bagay sa mundo ay nabibigyan ng kaliwanagan o nag kakaroon ng maayos na paliwang o interpretasyon manlang pero nahihirapan na akong unawain at umunawa.
Hindi ko alam kung sadya ba talagang ginagago ako ng kapalaran pero ayoko na ng gaguhan. Sawang sawa na ako sa mga laro na nag dudulot lamang ng panandaliang saya at ligaya na kalaunan ay magiging lungkot at luha at madami pang lungkot at mga luha. Ayoko na ng saglit at sandali na nagiging matagal at sa huli, hindi na bumabalik. Napapagod na ako sa mga umaalis at hindi nag tatagal.
Nauubos na ang pagkatao ko sa kakaisip kung kelan o kung saan ako maiiwanan nanaman o kung paano ba ako makaka ahon sa sakit ng pag lisan at pamamaalam.

Minsan, nagkaroon ako ng pagkakataong makaharap ang buwan sa gitna ng gabi habang umiihip ang banayad ngunit malamig na hangin. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na humarap sa kanya. Masyado na ata akong manhid para makaramdam ng kahit anong pakiramdam. Nakakatuwa dahil dati, walang pag lagyan ang puso ko sa dami ng damdaming unti unting pumupuno dito pero ngayon, halos wala akong makapa kahit isa. Natural ba iyon? o dapat na akong kabahan? Itinigil ko ng pag iisip at pumikit habang ninanamnam ang lamig at katahimikan ng paligid.

Gamit ang natitirang lakas na matagal kong inipon gamit ang mga latak ng pag asa na iniwan ng sakit ng kahapon, tinanong ko ang buwan at saksi ang kalangitan sa lahat ng aking nararamdaman.

"Bakit palagi nalang akong nasasaktan?"

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon