Paumanhin

77 1 0
                                    


Nag lalakbay sa gitna ng liwanag ng buwan at dilim ng kalangitan na tila ba't wala ng pakialam sa nangyayari sa kapaligiran.
Pinaubaya na lahat sa kalawakan ang pighati, lungkot, takot, luha at pagkayamot.
Wala ng pag-asa, sabi nila.
Wala ka ng pag-asa, sabi niya.
Napangiti at tumango, oo alam ko, ang tangi kong nasagot.
Wala akong nagawa
Wala na akong magagawa.
Nag desisyon na sila para sa akin.
Ngiti at tango, pasensya na ang hina ko, sabay talikod at sa puntong iyon,  dire-diretso ang mga luhang pinigilan at tinakot.

Pagod na ako.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon