"Walang Tayo"
Lahat ng tao tingin sa atin ay may Tayo
Akala ko din iyon ay totoo
Ngunit sinampal ako ng mundo todo-todo
At napagtanto ko na wala talagang tayo
Minsan tinanong kita kung ano ba talaga tayo?
Ang tanging sagot mo lang ay mahal kita , at mahal mo ko
Ngunit di pa yun sapat upang malaman ko
Kung saan ako lulugar sa relasyong ito
Minsan gusto kong angkinin ka
Ipagdamot sa iba at ipagsigawang akin ka
Ngunit di ko alam kung kaya ko ba
Dahil ayaw kong matawag na assumera
Hanggang saan at kailan mo ba ako pahihirapan
sa pagkilala sa ating pagmamahalan
hindi ganoon kadali ang sitwasyon
ngunit mahal kita kahit walang tayo
gv
![](https://img.wattpad.com/cover/123278322-288-k676429.jpg)
YOU ARE READING
Behind the Lines
PoetryA list of poems about love , sadness, jealousy and many more