Siguro tatanggapin ko na lang

7 0 0
                                        


Walong buwan mula tayo ay nagkakilala
Tila naglalaro pa ng tagu-taguan sa may aplaya
Tanda mo pa ba kung paano ang una nating pagkikita?
Kung paano kita ginising sa aking pagtawag?
Kung paano kita pinilit tumawa sa kabila ng iyong puyat?
Kung gaano ko gusto hawakan ang iyong mga kamay?
Natatandaan mo pa ba Mahal?

Siguro nga hindi na at malabo na
Hahayaan na lang kita bumitaw mula sa aking pagkakahawak
Palalayain mula sa kandadong nakakasakal
Kasama ang mga pangarap natin na magkasama
Isang kasal na atin noong pinanghahawakan
Siguro tatanggapin ko na lang

Ang unang beses na tayo ay nagkatampuhan
Isang masakit na salita ang iyong binitawan
"Kagaya ka lang pala nila. Sana di na lang ikaw"
Sana nga para hindi ka nagkakaganyan
Sana nga para di kita nakikitang nasasaktan pa
Siguro nga tatanggapin ko na lang

Sa unang beses na pinagsaluhan ang mga halik
Tila isang kendi na talagang nakakapanabik
Ayaw kitang bitiwan habang nasa aking bisig
Ayaw pakawalan kahit isang saglit
Pero ngayon di na mangungulit
Kasi mahal sawa at pagod ka na sa akin
Siguro nga tatanggapin ko na lang

Lahat ng bagay na ating pinagsaluhan
Natapos din sa isang masakit na hiwalayan
Ayoko pa sana kaso sumuko ka na
Nagsawa na parang walang pinagsamahan
Napagod ng di lumalaban
Siguro nga tatanggapin ko na lang

Tatanggapin ko na lang lahat ng sakit
Titiisin habang mga mata'y nakapikit
Hahakbang palayo bitbit ang alaalang tayo'y nagkatagpo
Sana sa susunod na pahina, ako naman ang piliin mo

Behind the LinesWhere stories live. Discover now