UNTITLED

8 0 0
                                        

Sa tagal ng panahon,pagmamahal ay tila naglaho
Mga tingin mo sa kanya ay mas matindi na sa akin
Di ko Alam kung San ako nagkulang kaya
Heto at nagdadamdam bakit ka biglang nagbago?

Noong una,masaya pa tayong dalawa
Naghaharutan at walang pakialam sa iba
Ako pa noon ang iyong prioridad
Pero sa isang iglap ,na wala ang lahat

Minsan sinabi Kong,ang kasiyahan mo ay akin din
Palalayain kita kung yan ang hiling
Madrama nga ako kung tutuusin
Dahil ang problema ko'y di kayang tapusin

Binigay ko na ang kalayaang minimithi
Distansya sa atin ay pilit pinagdidigkit
Ngunit gumawa ka na ng paraan para lalong mawalay
Sa relasyon nating dalawang inialay sa iba

Behind the LinesWhere stories live. Discover now