Matagal na din ang panahong huli akong sumulat
na nilalatha ko sa libro ng alaala
Hindi ko alam ngunit may pilit , gumagambala
na gustong buhayin ang buhay kong pagkamakata
Ikaw ang nagbigay ng rason upang muling sumulat
ng isang obrang maestra na pagmamahal ang tema
Mula ng ako'y minsan ng nasaktan
ay hindi na nakitang lumigaya pa
Nagbigay ka ng dahilan upang muli magmahal
Dito sa mundong maalimpusta talaga
kahit noong una ay hirap magtiwala
pero para sayo , susulong sa giyera
wala kang binigay na dahilan upang di pagkatiwalaan
dahil madalas ang oras mo'y sa aki'y nilalaan
kahit na pilya iyong pinagtitiisan
dahil ayaw mong akoy mawala
tunay na pag ibig na nga ba ang nahanap
mula sa taong minsang kinaiinisan
dahil sa pangungulit , ako'y napikon na
kaya isang gabi sinabing ika'y mahal na
![](https://img.wattpad.com/cover/123278322-288-k676429.jpg)