Laban pa

13 0 0
                                        

---

Nakikita mo ba ang ating kapaligiran
Na ngayon at unti-unting winawasak?
Nakita mo na din ba ang tubig sa dagat?
Na dati ay pinaglalanguyan ngayon ay basurahan

Nasaan na ang punong pamprotekta
Sa init ng araw na masakit sa mata
Ang sariwang hangin na masarap sa pakiramdam
Na ngayon ay puro sakit ang dala

Bakit di natin subukang bumangon
Baguhin ang nakasanayan sa tao
Ipamulat sa lahat ang to too
Dahil tayo,tayo ang madedehado

Hindi pa huli ang lahat,Hindi pa tapos ang laban
Isang maliit na problema lang ang kinahaharap
Kapalit ang kinabukasang inaasam ng lahat
Kaya laban pa! Subukan magbago!
Magsimula tayo sa maliit papunta sa malaki

Maliit na paraan patungo sa kabutihan
Hanggang sa magkapit-bisig ang mga mamamayan
Maging halimbawa sa magandang bukas
Upang buhay natin ay wag agad magwakas

Behind the LinesWhere stories live. Discover now