❛Pa,Bakit sila lang ❜
Pa, alam mo namang di lang ako ang anak mo DBA ?
Pero bakit sila lang nang sila?
Bakit ako kailangan ko paghirapan lahat para makuha
Pero sa kanila isang hingi lang ibibigay lahat
Bakit naman di pantay pa?
Anak mo din naman ako Hindi ba?
Oo panganay ako pero bakit paulit ulit na lang
"Na panganay ako at ako ang magbigay"
"Na panganay ako at ako ang magbigay"
"Na kung may gusto ako ay paghirapan ko"
Pero bakit ang unfair niyo?
Wala naman akong ginawa na di niyo gusto
Kayo na nga ang nagpapaikot ng mundo ko
Di pa ba sapat sa inyo yun
Natapos ko ang grade 9 with high honor gaya ng gusto niyo
Naipanalo ko ang laban ko sa broadcasting dahil para maging proud kayo
Naging title holder ako para matuwa kayo
At nung birthday ko simple lang naman ang gusto ko
At iyon ang isang cellphone
Oo materialistic ako
Pero tang inang buhay ito
Lagi na lang ako at ako
AKO ang kailangan magbigay
Ako ang kailangan magsakripisyo
Pa,paano naman ako?
Pagod na pagod na ako magmakaawa sa inyo
Hanep anak niyo pa ba ako ?
O mad mabuti ng sabihin na ka tulong ninyo ako
Taga linis, taga Laba at taga luto
Pagod na ako pa , sa loob ng labing limang taon minsan lang ako humiling sayo
Ngunit kahit pala iyon di mo parin maibigay sa akin
Tama panganay ako at di dapat inuuna
YOU ARE READING
Behind the Lines
PoésieA list of poems about love , sadness, jealousy and many more