Isa hanggang Lima

61 1 0
                                        


Isa ,dalawa,tatlo apat lima

Limang araw para iparamdam mo na katapusan na ng lahat

Limang araw na espasyo para makapag isip ka

Masakit na sa pagbalik mo iba na pala ang aking matutunghayan

Masakit na yun na pala ang hudyat na kailangan ko ng sumuko

Hudyat din pala na hindi mo na ako mahal

Pero bakit ganun na lang iyon naglaho?

Bakit ka biglang napagod?

Ano bang nagawa kong mali?

Ano bang kulang sa akin?

Ang payat na katawan? Ang maputing kutis?

Ang magandang mukha? Ang katanyagan?

Ano?

Lahat ba yan may mapapala ka

Sa tingin mo ba maipaglalaban ka niya

Ako kayang kaya ko gawin lahat ng yan

Kaya kong ipagsigawan na mahal kita

Tapos ano? Isang araw magigising ako na mahal mo ulit ako?

Na gusto mong tayo na lang ulit?

Na gusto mo uli akong balikan sa panahong ayoko na sayo?

Lolokohin mo na naman ba ako?

Nakakatawa diba?

Natatawa ako dahil naniwala ako sa malalambing mong salita

Pero kahit ilang beses kong sabihing tama na ,

Suko na, pagod na

Ikaw pa din eh

Ikaw at ikaw pa din ang mahal ko

Ikaw at ikaw pa din ang hinahanap hanap ko

At ang tanging saltang lumalabas sa bibig ko ay ang salitang

Mahal, MAHAL PA DIN KITA

iiiu'!9

Behind the LinesWhere stories live. Discover now