Balik

29 1 0
                                    

Heto na naman ako mahal

Iniisip isip kung bakit mo ako iniwan

Bakit ganito? Kadali sayo ibaon lahat ?

Minahal kita pero nagawa mo din akong ipagtabuyan

Alam mo ba mahal...

Miss na miss ko na ang mga yakap mo

Ang mga hagod mo sa buhok Kong aalon alon

Ang mga halik at tawa mo

Na nagmimistulang musika sa pandinig ko

Mahal nasan ka na ba ?

Ako pa rin ba ang hinahanap hanap mo gaya ng dati?

Ang gusto mong balikan dahil sabi mo nga ang ganda ng labi ko

Ang ayaw mong iwan ngunit nagawa mo na

Balik ka na mahal

Pangako di ka magsisisi kapag aki'y binalikan

Gusto na kasi kitang makapitan

Kaya sana ako ay pagbigyan

Behind the LinesWhere stories live. Discover now