Bulag, Bingi,Pipi

11 0 0
                                    

Akala siguro nila bulag ako
Yung tipong walang pakialam sa mundo
Tila alipin na sa kanila'y sumusunod
Kahit ang katawan at todo na kayod

Kunwari wala akong nakikita
Sa katotohanan na sa akin nakatalaga
Na kailangan Kong mabuhay pa para sa kanila
Kahit ang puso ko na ay parang  bumibigay

Akala din siguro nila bingi ako
Nagbibingi bingihan ,Oo
Ayokong masaktan ang mga kapatid ko
Kaya kahit masakit aakuin ko

Akala din siguro nila Pipi ako
Di ako umiimik pero nasasaktan ako
Yung tipong isang salita katumbas ng sapak
Kaya mas pinili ko na lang itago ang lahat

Bulag,bingi ,pipi
Siguro yan ako
Pero naisip niyo ba ang kalagayan ko
Na ipinatong niyo sa balikat ko ang responsibilidad niyo
Para lang mahanap ang kaligayahan niyo

Behind the LinesWhere stories live. Discover now