•Manunulat•

17 0 0
                                        

Nagsimula ako bilang isang mambabasa
Na lahat ng iyong nilalatha ay kinikilala
Mga panahon at oras na inilalaan
Ay nagdudulot sa akin ng kapayapaan

Bilang isang taga hanga
Di maipagkakaila ang saya
Sa mga ngiti ko sa tuwing nagbabasa
Mga pakilig na mga linyahan
Ay jusko po nagdulot ng kakiligan

Sa libo libong mga salita
Na bawat parte ay may kahulugan
Minsa'y nagdudulot ng kalibugan
Sa mga taong madudumi ang isipan

Minsan din di maiiwasan
Ang magkaroon ng kakiligan
Isang librong madaming asawa
Na walang pakialam sa sinasabi ng iba

Ngayong naging manunulat
Mga karanasan ang sinusulat
Sa bawat pahinang iyong mababasa
Panigurado ang aral na matatanggap

Behind the LinesWhere stories live. Discover now