UNTITLED PART 2

6 0 0
                                    

Minsan akong nag alay ng tula
Kahit Hindi naman ako ganoong makata
Sa isang taong di marunong magpahalaga
Sa aking ginawang pagpapasaya

Noong kailan lang, nakilala kita
Ako'y niligawan at sinuyong talaga
Pinakilala sa'king magulang at   pinagpaalam pa
Pero mapaglaro ang tadhana ,biglang pinakawalan

Inaasam ko noon na maging akin ka
Yung tipong ako lang at walang iba pa
Pinagdasal Kay bathala
Na isang araw ay mamulat sa tama

Pero sa pagdaan ng panahon,tila nagbago ang mundo
Yung panahong inaangkin kita,iba na pala ang 'yong gusto
Nakakatanga diba di ko alam ang totoo
Minahal mo ba talaga ako o ano?

Isang tanong, hanggang sa isa pang tanong hanggang paulit ulit at di na mapagtanto
Mga nalalaman sayo ay di pala totoo
Ano ba ang dapat pang paniwalaan ko?

Umabot tayo ng dalawang buwan
Nakakatangang pakinggan
Kita mo yun,DALAWANG BUWAN
Dalawang buwan ang sinayang ko para mahalin ka

Behind the LinesWhere stories live. Discover now