Wala Na

59 2 0
                                        


Tapos na ,tapos na ang dalawang buwan na pagmamahalan

Tapos na lahat ng mga panlolokong naganap

Tapos na ang ating mga pinagsaluhan

Na ngayon ay mga ala-ala na lang

Dahil nagbago na

Naglaho na ang pag ibig mo sa akin

Gugustuhin ko pa bang maging kaibigan mo ?

Oh ang dakila ko naming tanga

Ang tangang naniniwala sa lahat ng sinasabi mo

Ang tangang naniniwala sa pangako mo

Masakit pala , sobrang sakit

Pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin ka

Hindi ko naman gugustuhing habulin ka at magmakaawang mahalin mo uli ako

Kaya ngayon ,

Paalam na

Paalamsa dalawang buwan na punong puno ng saya at kulitan

Paalam sa mga ala-alang mananatiling alaala na lang

Paalam sa taong iningatan ko at ipinagtanggol

Paalam mahal,

Gusto ko man na lumaban pa ngunit ikaw na ang unag sumuko

Ano pa ba ang panlaban ko sa kanya ?

Walang wala ako kahit katiting

Hindi ko man lang naabot ang kalahati niya

Kasi siya? Siya ang nakakasama mo at nakikita

Siya?siya ang gusto mong makasama

At siya? Siya na iyong mahal

Kaya di ko matatanging hanggang ditto na lang ang lahat

Salamat sa lahat lahat ng mga alaala natin sa nakaraan

Paalam mahal ko, pero patuloy pa din akong aasa 

Behind the LinesWhere stories live. Discover now