Sa mga araw na lumipas
Hindi ko alam kung gaano ako kasaya
Ang bawat minutong kausap ka
Ay katumbas ang walang kapantay na kaligayahan
Sa tagal ng panahon
Bago kita nakilala
Ako'y nagtatanong
Kung bakit ngayon ka lang ?
Mula sa umpisa hanggang sa kadulo duluhan
Ikaw ang nagpaalalang may pag-asa pa pala
Na magmahal muli
Ang pusong minsan ng nasaktan at pinaluha
Kapag kasama ka ,
Wala ng mahihiling pa
Ang iyong mga ngiti at yakap pa lang
Pakiramdam ko ay kumpleto na
Di ko alam kung anong meron ka
Na sa katulad ko ay nakapagpasaya
Kahit minsan ay mukhang baliw na
Ay nabihag mo ng walang pag-aalinlangan
Kahit may pagkukulang
Ay iyong pinupunan
Basta sabi mo lang
Ikaw ay wag iiwan
![](https://img.wattpad.com/cover/123278322-288-k676429.jpg)
YOU ARE READING
Behind the Lines
PoetryA list of poems about love , sadness, jealousy and many more