Mga bulaklak na nagkalat
Mga chocolate na pinamimigay
Mga teddy bear na dala dala
Ngunit sa huli......
Malalanta
Matutunaw
Masisira
Hindi ko alam kung bakit ganito
Ito nga ba ang mundong minsang binuo
Puro materyal na bagay lang at puro laro
Wala na nga bang totoo sa mundo?
Noong una ay di ko mawari
Isang palaisipan sa muntik Kong isip
Bakit ganito? Bakit ganoon
Bakit laro? Bakit nakalimot?
Minsan din akong nabigyan ng ganoon
Pero sa isip ko magkano ba ito?
Kailangan bang gumastos ng ilang libo?
Para mapasaya taong gusto?
Nakalimutan na ba natin ang mga dating gawi?
Ang paggawa ng samu't saring bagay na nakakakilig
Sa maliliit na paraan ay napapangiti
Na dito nararamdaman ,TUNAY na pagibig
YOU ARE READING
Behind the Lines
PoesíaA list of poems about love , sadness, jealousy and many more