Mahirap maging masaya kung makikita ka sa piling ng iba.
Hindi ako manhid para Hindi maramdaman...
hindi rin bulag para makita ang iyong ginagawa.mahirap itago ang isinisigaw ng puso
ang kontrolin itoy parang sinabi mong huwag na akong pipintig
dahil kapag puso ang siyang nag utos
walang batas batas ang pwedeng sumukopaghanga...pag ibig kay hirap unawain
sa tulad kong tao na minsan ng umibig
ngunit sa pakiwari may kulang ang lahat
kung ang presensya mo sa iba nakalaan.parang tanga lang ang sabi ng iba
pero sa akin itoy kakaiba.
humahanga lang eh anong #Paki nila
kung itoy maramdaman para lamang sa kanya.naglakad na naman malikot kong pag iisip
ng akoy naglalaba sa isip ikaw ay sumaglit
kailangang ihinto ang kuskos ko sa damit
kase ikay di mawawaglit.ewan ko ba....engot ako...
engot ako .....na maramdaman ito
katanda na ba para seryosohin to
Pusong gala ikaw nga ba ito.Matagal tagal na rin di ako nakalikha
Mga tula at sanaysay sa iyo ko inalay
pero ngayon pintig ng puso ang nagsalita
sa lengguwahe na ako lang ang me alam.
![](https://img.wattpad.com/cover/123278322-288-k676429.jpg)