Play the cards

46 2 0
                                    


Inspired by : @blaquellasyz's story (Play the Cards)


Magsisimula ako kung saan tayo nagwakas .

"Love, sorry "

Unang salitang sinabi mo sa akin .

Noong una ay di ko iyon mawari

dahil alam kong ako lang ang iibigin .

Pero ang sagot mo'y pagod na ako

Hindi ko alam kung saan at bakit ?

Wala ka naming ginagawa ngunit pilit na binabanggit

Na pagod na ako

Na pagod na ako

Nagmistulang musika ang sinabi mo noon

Na gusto kong gawan ng isang artikulo na may katagang

"NAPAGOD NGUNIT WALANG GINAWA "

Na ipupublish ko sa buong mundo

Na ipapakita ko sa b ago mo kung gaano ka kagago

Hindi ko alam kung bakit masakit pa din

Na sa tuwing maalala ko ako'y mapapa iyak na lang sa isang gilid

Na ang tangan kong panyo ay mapupuno ng luhang may bakas ng sakit at pighati

Bakit mo ako nagawang gaguhin

Bakit mo ako ginawang lokohin

Nasaan na ang pangakong ako lang ang iibigin

Bakit napagsakluban na n g lupa at langit

Nasaan na ang mga pangakong napako

Ang mga katagang di ko kaya kapag wala ka

Na lahat gagawin mo wag lang kitang iwan

Oh isang manloloko nga naman

Na nagawang paniwalain ang isang katulad ko

Ang nagawang paikutin sa iyong kamay

Ang nagawang gaguhin sa matagal na panahon

Hayst bulag nga naman ang pagibig

Nagmahal ako ng katulad mong manloloko

Na lahat ng pinaghirapan ko'y iyo lang pinaglaho

Dahil sa mga kalokohan mong di ko sinasanto

Ang tanga ko nga naman dahil sinakyan ko ang laro mo

Sa susunod sana naman alamin mo

Kung sino at ano ako

Dahil baka sa huli

Ako ang tatapos ng larong sinimulan mo

Behind the LinesWhere stories live. Discover now