Nay,nasan ka na?
Bakit tila ang tagal mong nawala
Sinabi mong bibili ka lang na mantika
Kaso bakit inabot ka ng ilang taon?
Babalik ka pa ba nay? Babalikan mo pa ba kami ni itay?
Magsasama pa rin ba tayo gaya ng dati?
Magbibiruan na parang walang nangyari
Nay balik ka na po oh,
Pangako ako na ang mag huhugas ng plato
Maglalaba ng pinaghubaran ko
Kaya nay umuwi ka na dahil miss na kita
Naalala mo ba nay yung panahong kinukurit mo ako sa singit ko
Tapos sasabihin mong "Anak ka talaga ng Tatay mo"
Hahabulin mo ng hanger sabay papadapain mo
Yung iiyak ako pagkatapos noon tas sasabihin mong
Tama na mali si nanay?
Naalala mo din ba nung umiyak ako?
Dahil nasugatan ako kakatakbo palayo sayo
Alam kong napagod ka pero pilit hinahabol
At nung nadapa ako sabi mo kapag nadapa muling bumangon?
Pero bakit di ako makabangon nung nawala ka nay?
Nasan ka na bang tunay!
Bakit hindi kita matagpuan
Hinanap na kung saan saan
Pero kahit isa walang nakakita
Babalik ka pa ba nay?
Kasi yung totoo nasasaktan na akong talaga
Namimiss ko na ang yakap mo
Ang labi mong dumadampi sa aking mga pisngi Ko
Ang paghagod mo sa buhok ko para makatulog ako
Ang pagbibigay ng gusto ko kahit mawalan ka na nang sayo
Yung pang aaway mo at pagsasabing ayan di ka na kasi natuto
Na idadagdag mo pang si itay ang taong di ako sasaktan
Yung pag aayos mo ng gamit ko sa eskwelahan at bibigyan mo ako ng dorang laruan
Ang pagdadala ng bagay na aking kinalimutan
Minsan nga tinanong mo ako,
Paano na lang kung wala si nanay
Kaya eto ang kasagutan inay
Hindi ko kayang mawala ka
Nawalan ng kulay ang mundong ginagalawan
Tanging itim at puti ang aking nakikita
Tanging larawan mo ang aking yakap
Sa gabi at umaga ay umiiyak
Nagmamakaawang,Nay umuwi ka na
Kaso kahit ilang hagulgol ang marinig ng kapitbahay
Wala pa din ang nanay kong iniintay
Babalik ka pa ba?
Sana pwede ko pang balikan ang nakaraan
Kung saan tayong dalawa ang tauhan
Yung tipong di mo ako iiwan
Tas tabi tayo sa hihigaan sana ganun na lang ano inay?
Sana pagkabulang ko ng lima bumalik ka naIsa isang isa na lang nay malapit na akong sukuan ka
Dalawa,sa mahigit dalawang taong nawala ka naligaw ang aking landas
Tatlo,tatlo kaming anak na iyong iniwan
Apat, apat na beses sa isang araw akong umiiyak kapag naiisip ka
At panglima?
Isang tanong Buhay ka pa ba?Kaya minsan sa limang beses akong nagbilang inisip ko na lang na lumaya,magpalaya,at magparaya
Lumaya mula sa pagkakakulong sa mga alaalang kasama ka
Magpalaya dahil alam kong umaasa lang ako sa wala
Magparaya upang mahanap ko ang kasiyahan
Kaya nay?
Balik ka na dahil pangako
Tatanggapin pa din kita kahit ansakit sakit na
YOU ARE READING
Behind the Lines
PoetryA list of poems about love , sadness, jealousy and many more