Sabi nila , madami daw bulag sa mundoBulag, dahil hindi nakakakita ng halaga mo
Bulag ,dahil pinaniniwala nila ang sarili nila sa pangalawang pagkakataon
Na parang sa mahigit isang isang libong dahilan na ibinigay mo ay di pa din siya makalimot
Sinarado ang utak
Kinandado ang puso
Ang mga matang nagsisilbing tulay sa buong pagkatao
Na sa isang iglap ay mapapaikot mo
Na parang may hipnotismo na inilagay mo
Na gusto mong paglaruan ang umiiyak kong puso
Bulag na nga ba ako?
Nabulag dahil sa pagmamahal ko sayo?
Tao lang din naman ako, Hindi Laruan mo
Taong may pusong nagmamahal sayo
Oh ikaw?
Nandito naman ako ngunit iba pa din ang iyong Hinahanap hanap
Nandito naman ako ngunit ang puso mo ay di maabot
Na ako ay isa lang taong pag kailangan mo ay may malalapitan ka
Taong laging nandyan para iparamdam ang pagmamahal sayo ng wagas
Ako nga ba ang Bulag?
Oh ikaw ang hindi makaramdam
Na di maintindihan ang aking nadarama
Na nagbubulag bulagan sa lahat ng bagay
Pero kahit gaano pa kasakit
Kahit gaano ka kabulag sa nangyayari
Nandito lang ako at nag iintay na magising ka sa isang araw
Na ako na ang mahal mo at napagtanto mo ako na ang kailangan mo
YOU ARE READING
Behind the Lines
PoesiaA list of poems about love , sadness, jealousy and many more