Pagod na akooo
Pagod na pagod umasa sayo
Pagod na magmukhang tanga kakaintay sa pagdating mo
Pagod sa kakaintindi ng walang kwentang dahilan mo
Pwede ba mahal, itigil mo na ang kagaguhang ito
Minsan ba pumasok sa isip mo na masasaktan ako
Na di kakayanin ng mahina Kong puso ang ginagawa mo
Na ikakamatay ko ang pananakit mo
Pero hanep mahal
Hindi ata pumasok kahit minsan sa isipan mo ang ganoong mga bagay
Na ako'y sa desisyon mo'y di mapapalagay
Dahil sa sakin ay ipinaramdam
Ang relasyong miski isa'y walang kalayaan
Akala ko pag ibig ko'y kaya ng higitan
Ng isang taong aking pinagkatiwalaan
Ngunit mali ,ako lang ata itong lubos na mag mahal
Sa isang taong kailanman ay di iyon kayang mapantayan
Dahil sa puso niya iba ang laman
At ako ay isa lamang dakilang kalandian
![](https://img.wattpad.com/cover/123278322-288-k676429.jpg)