💠Konsensya
Matagal tagal na din ang panahon
Na wari ko'y sa buhay muling bumangon
Mga alaalang ayaw ko ng maalala
Ay parang sa aki'y biglang kumawala
Mga ala-alang ayoko ng maalala pa
Ngunit ito'y bumabalik pa
Isip ko'y gulong-gulong na
Para bang ako'y mababaliw na
Sa isang masukal na daan na aking tinatahak
Ka sabay ang bangkay mong aking hatak
Doon ginawa ang krimeng di malilimutan
Dahil sa galit at isip na naguguluhan
Muling tinatahak ang silid
Na may mga bakas ng dugo sa gilid
Ang aking luha'y nangingilid
Habang tinitignan ang paligid
Hindi ko maintindihan ang aking sarili
Kapit ang kutsilyo na sa puso'y tinirik
Hindi pa nasiyahan at ulo'y ginilit
Sabay tapon sa balon na Kay liit
Habang nililinis ang silid
Aking luha'y nangingilid
Pinagmamasdan ang mga matatalim na ginamit
Ika'y nawala dahil sa aking sobrang pagkagalit.
Mga sakit at aking pighati
Ay parang nawawala ng unti unti
Dahil sa pag patay na aking minimithi
Ngunit konsensya ko'y tila gumigilid
YOU ARE READING
Behind the Lines
PoetryA list of poems about love , sadness, jealousy and many more
