Madilim ,este napakadilim
Wala akong Makita o di kaya marinig
Pinilit kong sumigaw upang humingi ng tulong
Ngunit walang kahit anino ang lumapit sa akin
Nagsimula ng tumulo ang aking mga luha
Nagmamakaawang palayain na sa bangungot ng buhay
Ngunit wala pa din
Wala akong magawa
Kaya tumingin ako sa likod ,
Nakita ko ang libo libong taong nag iiyakan
Nakaputi at tila may patay
Maraming bulaklak ang naka balandra
At nakita ko ang nanay kong nagsusumigaw ng hustisya
HUSTISYA ,HUSTISYA
Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang iyak ng aking inay
Kaya sinubukan kong lumapit upang masilayan
Parang bangungot ang aking nasulyapan
Isang bangkay ko na payapa ng nahihimlay
Sa isang puting higaan na madaming kandilang umaaligid aligid
Na may kasamng litrato kong nakangiti
Na may nakasulat na
REST IN PEACE
m
YOU ARE READING
Behind the Lines
PoetryA list of poems about love , sadness, jealousy and many more