?

21 1 0
                                    


Hindi ko alam kung bakit mapagbiro ang tadhana

Na parang lahat ay binibigyan ng malisya

Na sa isang chat lang pakiramdam mo espesyal

Kaso ang totoo panakip butas lang naman


Hindi ko malaman kung alin pa ang totoo

Ditto sa mundong nakagisnan ko

Madaming isnatcher na akala mo'y nasa Quiapo

At pilit bibilugin ang iyong ulo


Hindi ko alam kung hanggang saan at kailan

Kung ang bawat minuto ay nagmimistulang panandalian

May katapusan pa ba itong mundong ating ginagalawan

O pati ito ay nilamon na ng sistema


Sa bawat pag ihip ng hangin sa dalampasigan

At kahit alon na nanakit ng sinuman

Na may kasamang tinik at kasarinlan

Kaya di na nagtaka kung pati ako ay mawawalan


Sinabi mo sa akin na panghabang buhay ang lahat

Sapgkat ang pagmamahal mo'y walang katapat

Na magiging ako lang hanggang kamatayan

Pero bakit ngayon di ka pa rin nawawala 

Behind the LinesWhere stories live. Discover now