Sakripisyo ng isang Ina

33 0 0
                                    

Hindi siya perpekto

Pero nagmamahal ng totoo

Puso niya ay kabiyak ng sa akin

At ang buhay ko sa kanya'y nagmula

Di ko alam kung paano magpapaalam

Sa nanay kong nagbigay buhay

Sa labing limang taong pagsasama

Mapapawi lang sa isang pagpaaalam

Aking  nanay ika'y mag ingat

Sa mundong di ka naman sanay

Alam Kong kami'y gusto mo na mayakap

Pero kailangan mong magsakripisyo sa ibang bansa

Mahal na mahal ka namin inay

Salamat sa pagmamahal ng wagas

Kung wala ka ,wala ako sa mundo

Kaya nanay ko salamat sayo

Behind the LinesWhere stories live. Discover now