Isa, isang malaking pagkakamaling aking nagawa
Dalawa , dalawang beses ko sinubukan na burahin ng tuluyan
Tatlo, tatlong libong alaalang gusto ng kalimutan
Ngunit,ngunit ni isa ditto ay hindi ko masimulan
Bakit, bakit ang hirap -hirap burahin ng alaala ng kahapong puro sakit ang dulot
Gusto kong tanggalin lahat ng sakit at kirot sa pusong nag-uumapaw sa galit
Paano ko tuluyang buburahin, ang laro ng baraha na nakadikit
Ditto sa buhay kong nasasakupan na ng pait
Magsisimula tayo sa maliit ,
Maliit na paraan kung paano makalimot
Simulan natin kung saan tayo nagsimula
At burahin ang mga alaala pa isa-isa
Pangalawa, iwan na sa kahapon ang masasakit na alaala
Yung tipong pinangarap mo na ,siya na lang pang habang buhay
Masaya pa kayo noong wala pang iba
Pero kinalaunan ay naghanap pa ng isa
Pangatlo , subukan mong kalabanin si tadhana ,
Yung tipong kapag nagkikita kayo , ay salungatin ang paroroonan
Iwasan na ang isa’t isa , at umaktong parang wala kang nakita
Para lahat ng pananakit ay makalimutan
Pang apat , kapag wala na , wala na talaga
Hindi yung tipong push pa,sige pa
Sabi nga ng iba acceptance is the key
Pero kung di mo matanggap , matatalo ka darling
Pang lima , maging masaya ka
Hindi yung kapag nakikita mo siya
Galit ang nag uumapaw , at gusto mo ng saktan
Wag kang gumanti sa lahat ng kaniyang ginawa
Dahil sa huli, magiging kapareho mulang siya
Maging masaya ka na , na nawala siya
Pasalamat ka , siya’y nagging babala
Buti nga at di na nagtagal pa
Ang relasyon niyong laro lang pala
Kaya burahin na mula sa maliliit hanggang sa malalaking alaala
Para kinabukasan ay di mapahamak
Iinatayin mo pa ba na mas masaktan ka
O sayo pa lang , ititigil na
