Hangin na Kay lamig
Tubig na Kay lalim
Lupang Kay dumi
Ngunit pag ibig mo'y di pa rin akin
Ang mga punong sumasayaw
Ngunit puso mo ay di maagaw
Sa panahong kailangan kita
Ngunit sa tabi ko'y wala ka
Lumalamig ang simoy bang hangin
Pati na rin ang turing mo sa akin
Pilitin ko mang pihitin
Dahil pag ibig mo'y aking mithiin
Taglagas na pala
Patuloy ng nahuhulog ang pusong nagwala
Bakit di mo sinalo at hinayaang mahulog
Kaya ngayon ang nararamdaman ay dinaanan ng kulog
Malalim na ang gabi
Ngunit ikaw ay di aking katabi
Pagkamulat ng aking mga mata sa umaga
Maganda mong mukha ang aking makikita
Puno,lupa,dahon o tubig
Namimiss ko pa rin ang banat mong nakakakilig
Sa tuwing maalala ko ang mga sinabi mo
Puso ko'y tumatalbog na sa kilig
YOU ARE READING
Behind the Lines
PoetryA list of poems about love , sadness, jealousy and many more
