Hindi ko alam kung bakit mapagbiro ang tadhana
Na parang lahat ay binibigyan ng malisya
Na sa isang chat lang pakiramdam mo espesyal
Kaso ang totoo panakip butas lang namanHindi ko malaman kung alin pa ang totoo
Ditto sa mundong nakagisnan ko
Madaming isnatcher na akala mo’y nasa Quiapo
At pilit bibilugin ang iyong uloHindi ko alam kung hanggang saan at kailan
Kung ang bawat minuto ay nagmimistulang panandalian
May katapusan pa ba itong mundong ating ginagalawan
O pati ito ay nilamon na ng sistemaSa bawat pag ihip ng hangin sa dalampasigan
At kahit alon na nanakit ng sinuman
Na may kasamang tinik at kasarinlan
Kaya di na nagtaka kung pati ako ay mawawalanSinabi mo sa akin na panghabang buhay ang lahat
Sapgkat ang pagmamahal mo’y walang katapat
Na magiging ako lang hanggang kamatayan
Pero bakit ngayon di ka pa rin nawawala
![](https://img.wattpad.com/cover/123278322-288-k676429.jpg)
YOU ARE READING
Behind the Lines
PoetryA list of poems about love , sadness, jealousy and many more