Pagguho

10 1 0
                                    

Nagmahal ako sa di inaasahang pagkakataon
Na akala ko iyon na ang tamang panahon
Upang makamtan ang pagmamahal na inaasam
Hanggang sa ako'y napagod umasa

Sa walong buwan na ika'y kasama
Kasiyahan ang tanging nadarama
Ngunit ng dumating ang panahong nawala ka
Gumuho ang pader na akong ginawa

Nasan ka na ba?
Sabi mo papunta ka na?
Papunta ba sa akin o sa kanya?
Papalapit o paglisan sa piling ko't yakap

Wala na akong magawa
Sumuko ng talaga
Guho ng ang mundo
Lalo na nang ako'y sinukuan mo

Kaya eto ako naglalakad sa gitna ng saan
Namamalimos ng iyong atensyon at pagmamahal
Pero wala na tapos na ang laban
Gumuho na ang lahat ng sandata

Behind the LinesWhere stories live. Discover now