Noong unang panahon, meron pang ikaw at ako
Noong unang panahon ako lang ang mahal mo
Pero ng lumipas ang panahon ,iba na ang hinahanap mo
Ang saklap mang isipin pero mahal di na ako ang kailangan mo
Taong 2014,sinabi mong ako lang ang iibigin mo
Taong 2015, tila mahal na mahal mo ako
Taong 2016, pakiramdam ko'y nagbago ang turing mo
Pero nang dumating ang taong 2017,di na ako ang laman ng puso mo
Umiikot ang mundo,pati na din ang pag-ibig ko sayo
Pero di din magtatagal lahat ng ito'y magbabago
Sa bawat taon na nagdaan sa mundo
Sa bawat minuto ng ka iisip ko sayo
Sa bawat Segundo na pinanalangin Kong ako na lang ang kasama mo
Pero di ko maipagkakaila na wala ako sa tabi mo
Tik tok,, mahal pa din kita --
Tik tok, di na kita kailangan pa-
Tik tok, kailangan ko ng pakawalan ka--
Tik tok,di ko na kaya pa --
Kaya tiktok, ngayong taong 2018
Nakalimutan na kita
YOU ARE READING
Behind the Lines
PoetryA list of poems about love , sadness, jealousy and many more