Suko Na

74 0 0
                                    


Ilang buwan na ang lumipas

Mula ng tayo ay magkakilala

Ngunit ngayon ay nagbago na

Dahil sa akin ay ayaw na


Ang ihip ng hangin ay biglang nag iba

Ang dating mahal kita na nagtapos sa itigil na

Paano pa ba ako kakapit

Kung isang patibong ang sa aki'y bibingwit


Mga matamis na salita na lahat pinaniniwalaan

Kahit minsan ay nakakapagtaka

Ngunit noon talagang mahal kita

Kaya pagtitiwala ko ay ibinigay kong lahat


Ayoko na ,pagod na ako

Sa lahat ng pagpapaikot mo

Mahal kita pero wag sanang ganito

Dahil puso ko'y tunay na nadudurog

Behind the LinesWhere stories live. Discover now