Buong buhay ko nakukuha ko ang gusto ko
Ngunit nagyon tila nagbago
Bakit pa ba ito naimbento
Ang salitang iyon na puro sakit ang dulot
Sana,salitang madaming naloloko
Dahil sa mga paghiling na hindi makamit
Sa mga bawat tao na laging umaasa
Umaasa na baling araw may pag asa pa
Sana,sana ako na lang , sana tayo na lang
Yun ang sana ko sa aking buhay
Ngunit bakit ganoon ang itinadhana
Bakit wari ko'y ang daya naman ata
Sana baling araw makasama kita
Mahawakan at mahagkan
Ngunit dahil sa distansya hanggang sana na lang
Ang pangarap kong matagal na inaasam
YOU ARE READING
Behind the Lines
PoetryA list of poems about love , sadness, jealousy and many more