Chlea

8K 88 4
                                    

Isinama ako ni Jonas sa council meeting kahapon.

Pinagtinginan ako ng mga Bampira at Lobo na dinaanan namin papunta sa loob ng council room. sa itsura palang ng kanilang mga reaksyon, halatang halata na madumi ang tingin nila sakin dahil sa kalahati lang ako ng bawat lahi. Siguro kung may pakealam ako, mas maaapektuhan at masasaktan ako sa mga bulungan na narinig ko sa bawat isa sakanila. Eh kaso wala.

Pag pasok namin ay agad kaming pinakilala kay Claire, isang bampirang kasing edad ko lang. Kung titignan mo siya, hindi mo akalaing siya ang pinaka magaling na mandirigma sa ankan ng mga bampira. Sobrang kinis ng kaniyang balat at mala snow white ang kaputian. Mahaba ang kanyang buhok at may labi na sobrang pula. May tattoo siya ng pakpak sa kanyang likod at 3 maliit na ibon sa ibaba ng kanyang siko. Kung hindi ko alam na bampira siya, iisipin kong alagang Vicki Belo ang babaeng yun.

Okay na sana eh. kaso nung nagsalita, kung anong kinaganda ng panlabas ay kinapangit ng ugali! Maganda nga siya, masarap naman ibitin patiwarik! so just a recap ng mga pangyayaring ubod ng sweet saaming dalawa, ito ang kinalabasan...

*Flashback*

"Claire, ito si Jonas at Chlea. Simula ngayon, makikipag ugnayan ka sakanila at sasabihin mo lahat ng impormasyon na malalaman ng ating mga ispiya."

"Hi, I'm Chlea!" itinaas ko ang aking kamay para iabot ito sakanya Tinignan lang ito ni Claire at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

"So, you're the infamous Chlea? Ang tapang mo magpakita dito! Kung sa tingin mo gugustuhin naming magkaroon ng kahit anong koneksyon sayo, you're dead wrong! Bumalik ka na sa Amerika dahil wala kang lugar dito! We don't expect anything from a halfblood trash like you!"

Hindi ata aware ang babaeng ito na kayang kaya ko baliin lahat ng buto niya sa katawan!

"Insulto ba dapat yun? or nangingiliti ka lang ng konti? tinaasan ko siya ng kilay sabay dagdag

"Medyo laos na yung insulto mong yan eh. Think of a new one naman baka sakaling magkapakealam ako sa sasabihin mo. k?"

Nagkatitigan kami ni Claire. Handang handa nakong turuan ng leksyon itong impokritang bampirang ito ng may tumayo sa gitna naming dalawa. Isang lalaking ubod ng gwapo ang tumambad sa aking mga mata.

"Hindi pa ba kayo masyadong matanda para magsagutan na parang mga bata? Claire, chill! Umiiral nanaman pagka masungit mo."

"Seriously, Hunter? Get out of my way!" sagot sakanya ni Claire.

Humarap sakanya ang lalaki at pinatong ang kamay sakanyang balikat.

"Claire, Chill! You know malaki ang magiging tulong niya satin. You don't have to talk to her if you don't want to. That's what I'm here for, remember?"

"Fine!" galit niyang inalis ang nakapatong na kamay sa kanyang balikat.

"Next time, freak? you won't be so damn lucky!" naglakad na papalayo si Claire nang humarap sakin ang lalaki.

"I'm Hunter, Second in command and bestfriend ni Claire. Pagpasensyahan mo na siya, mainit lang ang ulo niyan pero she's really nice."

Ngumiti siya sakin. Omg, sobrang gwapo niya! Light brown ang kanyang buhok at sobrang puti. Masculado ang katawan at tulad ni Claire, may mga tattoo din siya. Puno ang kanyang buong kaliwang braso at mayroon din siyang pakpak sa kanyang dibdib. Malalim ang kanyang dimples sa pisngi. Mukha siyang galing sa ibang bansa, pano kaya siya napadpad dito?

"Hi uhh..I'm Chlea."

Kinamayan niya ko at muntikan nakong matunaw.

"Hi Chlea, I've heard quite a lot of things about you. Totoo bang ikaw ang pinaka malakas sa aming lahat? Parang hindi naman!" Pabiro nitong sinabi.

"Besides "Freak" may good thing din palang kumakalat na issue about sakin. Why? gusto mong  mawitness first hand ang kakayahan ko?" Sinabi ko ng may yabang sa aking boses.

"Hmm, can't today. Mag papatrol pa kami nila Claire."

Kainis, kasama niya yung babaeng yun!

"How about next time? I take it you'll be here more often than you would wanna be."

HA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! okay, wait, kinaylangan kong pilit isteady ang sarili ko. lumandi ako slight.

"Uh, sure! sabihan mo lang ako." malumanay kong sinabi.

"Cool! I'll look forward to it!" sinagot niya ng may ngiti sa kanyang mukha.

Tumalikod na ito at naglakad palayo.

Tinignan ako ni Jonas at ng isang Council member.

"What? feeling niyo nabuntis nako agad dun? DUH!"

Sabay walk out.

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon