"Jonas, kailangan na natin maghanda para sa isang digmaan. Kailangan nang matigil ang kasamaan ni Gardo!"
"Alam ko, Magnus. Unti unti nang nalalagas ang mga Lobo at Bampira. Pati na innocenteng mga tao na walang kalaban laban ay pinapatay. Kailangan na natin lumaban. Tama na ang patatago!"
Tatlong bangkay ng tao ang natagpuan ng mga mandirigma sa gubat kaninang umaga. Isa dito ay isang babaeng halos kasing edad lang ni Chlea. Nag init ang dugo ko sa ideyang, ganito ang kahahantungan ni Chlea sa kamay ni Gardo kapag nagtagumpay ang demonyong yun sa kanyang mga balak. Papaano na din ang mga magulang ng batang ito?
"Jonas, tatawagin ko na si Ezekiel. Siya ang namumuno sa mandirigma ng mga Lobo. Grupo nila ang nakatagpo sa mga bangkay kaninang umaga. Siya ang tutulong sayo habang si Claire ang nagbabantay kay Chlea. Ngunit kailangan din natin sila papuntahin dito para masabihan tungkol sa mga darating na kaganapan."
"Oh sige. Gusto ko din makausap ang anak mo, Magnus. Siya ang second in command kay Claire kaya silang dalawa ni Ezekiel ang gusto kong andito." ani ko."Umalis ng kampo si Hunter kanina. Nagpaalam na dadalawin si Claire at Chlea sa bahay niyo. Hindi ba kayo nagkaabot?" tanong ni Magnus
"Hindi. Baka nakaalis nako bago pa siya dumating. Ginamit ko ang sasakyan papunta dito. Tatawagan ko nalang si Chlea para masabihan niya si Hunter na bumalik muna ng Kampo."
Nilabas ko ang Cellphone ko at nakitang may mensahe galing kay Chlea.
"S.O.S!!!!! CREATURE HUNTERS. SURROUNDED. HELP!"
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Tinawagan ko agad si Chlea.
*Subscriber cannot be reached*
"Magnus! Nasa panganib ang mga bata! May mga Creature Hunters na sumalakay sa bahay!"
"Jusko! Alam kong malakas silang tatlo pero mga bata lang sila! Sasama ako sayo, Jonas! Halika na!"
Si Magnus ay isang Avivampire. Mga Bampirang may kakayahang lumipad. Konti nalang ang mga natitirang Avivamps sa angkan. Gaya niya, si Hunter ay isa ding Avivampire Ngunit namana din nito ang bilis Bampira ng kanyang Ina sa pag glide.
Nag glide ako sa ibaba habang lumipad sa ere si Magnus. Sana ay maabutan namin ang mga bata at walang masamang nangyari sakanila. Chlea, papunta na kami!
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
RomanceAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...