"Pakyu ka ding Bampira ka eh noh?! Pati may cancer hindi mo na pinatawad?! Kulang ka ba sa pagmamahal ng magulang kaya ganyan ka kadesperado!?" sigaw ni Chlea.
Humarap siya saming dalawa ni Ashton na nakatitig lang sakanya. " Diba sinabi ko antayin niyo ko? tagalog na yun kailangan ko pa bang ienglish?"
"Ba..Bampira? anong.."
Bampira?! As in Vampire? Seryoso ba to???
"Walang galang! Sino ka sa inaakala mo?! Hindi mo ba ko kilala!?" Sigaw ng lalaki
"Bakit ba andaming nagtatanong sakin niyan? Ako nga hindi mo kilala eh! Mukha bakong friendly?!" sagot ni Chlea.
"Magbabayad ka sa kabastusan mo! ikakatuwa ko ang pagubos ng dugo mo!"
"Ikaw tong nagtrespass sa loob ng bahay ko tapos ako pa bastos? Adik ka din eh noh? Tama na satsat! Ang baho ng trip mo!"
Nakita ko nalang na tumama sa ulo ng bampira ang paa ni Chlea. Hindi ko alam kung pano siya napunta sa kabilang gilid ng kusina ng hindi ko nakikita ang pag galaw niya. Para siyang yung lalaki kanina.
Nakatitig lang ako sa gulat habang kinakalaban ni Chlea ang bampira. Sinuntok niya ito sa tiyan, sinipa sa ulo, at binasagan ng plato sa mukha. Mukhang walang kaalam alam ang bampira sa mga nangyayari sakanya dahil sunod sunod ang tama sakanya ni Chlea. Isang round house kick ang binanat ni Chlea at tuluyan nang hindi nakatayo ang bampira.
"Si...sino ka ba?? kakaiba ang lakas mo para sa isang batang bampira!" ani nito kay Chlea habang naghihikahos.
Tinignan lang muna siya ni Chlea bago ito nagsalita.
"Dahil hindi ako pangkaraniwang bampira. Ako ang ipinunta niyo dito. Ako si Chlea, anak ng Mandirigmang lobo na si Rodan, at Mandirigmang Bampira na si Amanda. Ako ang Hybrid na iniutos sainyong hanapin!"
Nanlaki ang mata ng bampirang halos hindi na maigalaw ang katawan sa sahig.
"Ikaw?! ikaw ang Hybrid na gustong makuha ni Gardo!"
"Oo, ako yun! Swerte ka dahil hindi muna kita tutuluyan katulad ng mga barkada mong napatay na namin ni Claire sa likod ng bahay. Meron akong mensahe na ipapaabot sa amo mo at ikaw ang magsasabi sakanya kaya makinig kang mabuti! Sabihin mo sakanyang hinding hindi ako sasanib sainyo at ako mismo ang papatay sakanya kaya wag na wag siyang magpapakita sakin dahil pag ako, sinumpong ng pagka bi polar ko, babaliktarin ko ang tuhod niya patalikod at gagawin kong kwintas ang mga pangil niya! naiintindihan mo ba yun!?"
Dumura ng dugo ang bampira bago sinagot si Chlea.
"Kung inaakala mong sasabihin ko yan sakanya, nagkakamali ka! Patayin mo nalang ako!"
Huminga ng malalim si Chlea at inilagay ang dalawang kamay sakanyang likurang bulsa.
"Okay, madali naman akong kausap." ani ni Chlea.
Nilabas niya bigla ang isang silver stake galing sa kanyang kanang bulsa at inasinta ito papunta sa dibdib ng bampira.
Hinarang ng bampira ang dalawa niyang kamay sa harapan niya at pumikit ito.
Ilang sigundo lang ay tumingin ito kay Chlea at nalamang hindi nito itinuloy ang pagpatay sakanya.
"Nakakahiya ka. Ang drama drama mo takot ka din pala. Umalis ka na sa harapan ko baka magbago ang isip ko sayo at ibitin kita patiwarik, duwag!" sigaw ni Chlea.
Biglang nawala ang bampira sa kinalalagyan nito. Bumukas nalang bigla ang pinto na parang may dumaan dito pero wala akong nakitang lumabas. Binalik ko ang tingin ko kay Chlea.
"Ano, kailangan ko pa kayong buhusan ng tubig para magising mga diwa niyo?!" ani nito.
Naglakad papunta samin si Chlea.
"Wait, diyan ka lang wag kang lalapit!" ani ni Ashton.
"Anlaki laki mong tao, isa ka pang duwag? Excuse me, choosy ako sa dugo. And hindi ako basta basta umiinom inom nalang ng dugo ng tao! Malay ko ba kung saan nang galing yun!?" sagot ni Chlea.
"So, you don't kill humans?" tanong ko.
"Nope. Synthetic blood. Matagal nang nadevelop ng mga vampires yun dati pa. Kaya chill, I won't hurt you."
"So, what you're saying is, you're a living, breathing, vampire? As in parang Walking dead?"
"You should really lay off the television ya know. Kung ano anong napupulot mong kalokohan. Number 1. I'm not dead! Number 2. I was born like you guys. C-Section pa nga eh! Number 3. Yes I'm a vampire. Well, part Vampire. My dad was a werewolf, my mom was a vampire. I'm a Hybrid. Both blood runs in my veins."
"So lemme get this straight, you don't kill people?" Tanong ni Ashton.
"Dude, get with the program! Hindi nga eh! kaya pwede ba, hindi na nga kayo sumunod sa sinabi kong magtago kayo, magrereklamo ka pa. I never took you for being such a reklamador, Ash!" sagot ni Chlea.
"And si Claire?" dagdag ni Ashton.
"She's full vamp! but like me, she doesn't kill people. Pinaka magaling na warrior sa buong angkan ng Bampira dito kaya I suggest you don't piss her off. Kayang kaya ka niyang ibitin ng patiwarik ng isang kamay lang!"
Biglaan kaming sabay sabay napatingin sa pinto habang dahan dahan itong bumukas.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
Любовные романыAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...