Chlea

5.3K 75 5
                                    

Napagkasunduan namin nila Claire na wag nang sabihin kay Jonas ang nangyari kanina sa school. Mag susungit nanaman yun pag nalaman niya.

Ganun pala talaga ang Halcyon. Talagang nakakabura ng alaala ng isang tao. Mahirap masaktan, pero mas masakit ang makalimutan.

Kanina ko pa iniisip kung pano ko matutulungan si Brett sa report. Unfair nga naman na bigla ko siyang inawan sa ere at nag drop in the middle of Term. Nasakin pa ang copies ng part 2 ng report namin. Nakakatawa lahat ng binigay sakin ni Brett na research! Hindi ko alam kung saan niya napulot yung ideyang natutulog kami ng patiwarik, natutunaw sa harapan ng mga banal na bagay at kumikislap pag tinamaan ng araw. Ang mga lobo naman daw, namamatay sa asin, nag tratransform pag bilog ang buwan, at nang aakit ng magagandang babae para kainin. Ang labo ng nakaisip magsulat ng mga ito. Uso naman ang kama samin! At namamatay lang ang bampira kapag sinaksak mo ng silver stake o sinunog mo ang katawan. Ang mga lobo? Nako, kahit araw araw pa sila mag transform kahit kailan nila trip.

Sa mga napupulot ni Brett na research, halatang babagsak siya sa History. Ayoko naman maging kasalanan ko pa iyon. Bahala na pero hindi ko naman siya pwedeng pabayaan nalang basta basta. Nilabas ko ang aking cellphone at hinanap ang number ni Brett.  Binigay niya to sakin nung ginagawa namin yung report pero hindi ko siya kailanman tinawagan kaya hindi niya alam ang number ko. Hindi nadin naman malalaman ni Jonas kung tutulungan ko si Brett. One time lang tapos hindi na talaga ako magpapakita. Ibibigay ko lang ang report namin.

Pinindot ko ang call at inantay na sagutin ni Brett ang tawag ko.

"Hello?"

"Brett?"

"Who's this?"

"Uhm, Brett si...Chlea to, yung history partner mo."

"Chlea? Uy! sobrang salamat at napatawag ka! Wala akong number mo and kanina ko pa iniisip kong pano kita matatawagan. I really need you!"

Sarap naman marining, "I need you!" Pero para sa project lang! Haay!

"Nasakin yung report, kailangan ko pang iexplain sayo kase, buong part 2 to."

"Ah! Sige uhh, kita nalang tayo sa Commons! Pwede ka ba bukas?"

"Message ko sayo kung what time. I have to go, Bye!"

Binaba ko na yung phone bago pa siya makasalita.  Itetext ko nalang sakanya yung details. Commons ang tawag dun sa isang lugar ng mga nakahilerang coffeshop sa loob ng mall malapit sa school. Feeling ko makakauwi naman ako ng buhay pag doon kami nagkita dahil madaming tao dun.

Pumunta ako sa messages ko at sinend kay Brett ang details.

*2pm, Commons. See you!*

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba to kay Claire. Pero, kailangan ko din maisip kung paano ko matakasan si Jonas.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang may reply si Brett.

"Can't wait! :)"

Mga 5 beses kong binasa ng paulit ulit yung reply niyang yun. Inimagine ko na nakangiti talaga siya nang sinend niya sakin ito. Kahit ako napangiti.

"Chlea? Okay ka lang? ba't nakangiti ka mag isa?"

Hindi ko napansin na pumasok pala si Claire sa kwarto ko. Nahuli niya pa kong mukhang tangang ngumingiti mag isa!

"Ha? uhh...excercise! Pampaalis ng wrinkes try mo gusto mo?" sagot ko

Uh, Hindi...okay lang ako. Inaantay na nila tayo sa training grounds. Tara na!"

Malabo yung palusot ko pero kinuha ko na yung Training gear ko at sumama sakanya para hindi na siya magtanong tanong pa.

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon