Chlea

5K 67 3
                                    

"Guys, what are you doing? May mga killer vampire and werewolves sa labas and you picked a perfect time para magkwentuhan?" Ani ni Hunter.

"Akala ko naman kung sino. Kayo lang pala!"

Magkasamang pumasok si Claire at Hunter sa loob ng kusina.

"Chlea, clear na ang first floor. Yung second floor nalang ang problema natin. Ang laki ng bahay niyo and for sure madami pang mga nagtatago sa paligid." dagdag ni Hunter.

"Sino ka ba?" Banat ni Ashton.

"I would tell you, but then I'd have to kill you."  sagot niya.

"Hunter!" ani ni Claire at hinawakan ito sa balikat.

"Guys, This is Hunter. Hunter, this is Brett and Ashton. Schoolmates namin ni Claire sa Candriff."

Tumingin si Hunter kay Ashton. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa at ngumisi.

"So, you're Ashton?" tanong ni Hunter.

"Yeah, bakit?"

"Nothing."

Napalingon kami sa bintana ng biglang nabasag ito at may isang Creature Hunter na bumagsak sa harapan ni Claire. Agad agad niya itong sinaksak sa dibdib at pinagmasdan ito hanggang sa abo nalang ang nasa paanan niya.

Binalik ko ang tingin ko sa bintana at nakitang may pares ng paa na nakatayo sa harap nito.

Napalakad ako patalikod at tumayo sa harapan nila Brett at Ashton. Inilabas ko ang dalawang silver stakes galing sa aking bulsa at hinanda ang sarili ko sa kung sino man ang papasok  galing sa bintana.

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon