Pupuntahan ko na ba si Chlea???
Parang wala siyang gana makipag usap everytime sinusubukan kong mag start ng kahit anong conversation sakanya for the past week. Kahit yung sa History project namin parang hindi siya interesado pagusapan.
Obviously, I know where she lives. Kaso, Anong sasabihin kong rason ba't pinuntahan ko siya? Gusto ko na talaga siya makita!
"Brett, anak? Why don't you go down to the party? Don't you wanna mingle with the guests? And nasan na si Ashton? I thought you said he was gonna be here?"
"Ahh, Yes ma! He said he's on his way na! I'll be down in a bit. Antayin ko nalang po siya and sabay na kami bumaba to the party."
Nilapitan ako ni mommy at niyakap.
"You look really handsome in your tux tonight, Brett."
Ngumiti ako sakanya.
"Oh, hurry down after that! Your father's waiting for you."
"Yes Ma!"
Inantay ko muna makalabas ng room ko si mommy bago ko tawagan si Ash.
Kakauwi lang ng parents ko galing California nung isang araw. Birthday ng dad ko today kaya nagpa party sila. Wala naman akong kilala and for sure mabobored lang ako.
Nasan na ba yun si Ashton? Ang tagal! Nilabas ko yung phone ko at tinawagan si Ash.
"Hello? Ash! San ka na, bro?"
"Nasa baba nako naghahanap nalang ng mapaparkan. Andami niyong guests wala nang available na parking space!"
"Salubungin moko sa likod. Sa Garage ka na magpark."
"Sige sige! Meet you there."
Pagka baba ko ng phone, naglagay ako ng extrang damit sa loob ng gear bag ko. Tinapon ko sa labas ng bintana yung bag para dun ko nalang kukunin mamaya sa baba. Lumabas nako para salubungin si Ash.
Pagbaba ko ng hagdan, nag ring yung phone ko. Si Mommy.
"Hello, Ma? Meet ko lang po si Ash sa labas."
"Brett, labas ka muna dito sa garden your father's waiting for you here."
"Ah, sige po! On my way."
Naglakad ako palabas sa garden. Nakita ko sila Mommy and Dad na nakatalikod at may kausap.
"Dad! Sorry I'm.."
"Hi babe!"
Napatingin ako kung kanino nanggaling yung boses. Shit! Anong ginagawa ni Carmela dito?!
"Carmela? What are you doing here? tanong ko
"Iho, I invited her! We bumped into each other kaning umaga sa mall. Hinanap ka niya sakin and she said she's your girlfriend. Ikaw naman you didn't tell us you had such a lovely girlfriend!" ani ni mommy.
"Yes she's very gorgeous, Brett! Nakuha mo ang taste ng Dad mo." dagdag ni Dad.
Napaka plastic talaga nito ni Carmela!
"Uhh, She's not my girlfriend. We broke up 2 weeks ago. Now if you'll excuse me."
Patalikod nako ng biglang hinawakan ni dad yung braso ko.
"Anak, don't be rude. She's your guest!" ani nito
"She's YOUR guest, Dad! NOT mine. Hinihintay nako ni Ash sa labas."
Tumingin ako kay Carmela.
"Sersiously, leave me alone and stop stalking me!"
Nagulat yung mga magulang ko sa sinabi ko pero hindi ko na sila binigyan ng chance para magsalita. Naglakad nako palayo.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*
RomanceAko si Chlea. Hindi ako pangkaraniwan na nilalang, isa akong Hybrid. Ang nag iisa sa buong ankan ng mga Lobo at Bampira. Dugo ng Lobo at Bampira ang dumadaloy sa aking mga ugat. Namana ko ang lakas ng aking mga magulang at wala sa kanilang mga kahin...